Ano po ang Kazam? Agency ba yan?
Ito ay isang website o online platform para sa mga Kasambahays na naghahanap ng Homeowner at Homeowners na naghahanap ng Kasambahay, tulad ng child care, senior care, cook, maid, family driver, at houseboy. Hindi po agency ang kazam.
May bayad ba yan?
Libre pong mag-sign up para sa kazam!
Para sa kasambahay, walang bayad ang kazam mula sa pag-create ng account hanggang sa makakuha ng trabaho.
Para sa homeowner, mag-subscribe lamang sa mga packages para makipag-usap sa mga kasambahay. Pino-protektahan ng kazam Chat ang inyong privacy.
Kailangan ng internet connection para magamit ang kazam.
Saan po ang location nito?
Ang Kasambahays at Homeowners na nasa Kazam ay nanggaling po sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Makikita ninyo sa kanilang profile kung taga-saan sila. Naka-depende sa magiging usapan ng Kasambahay at Homeowner kung saan ang trabaho.
Magkano ang sweldo?
Kapag gumawa kayo ng Kasambahay profile, hihingin ang inyong gustong minimum na sweldo. Ito po ay makikita ng Homeowners na titingin sa profile niyo. Ang sweldo po ay magdedepende pa rin sa napag-usapan ninyo ng Homeowner.
Puwede po ba ako sa kazam?
Lahat po ay welcome sa kazam basta’t kayo po ay 18 years old pataas at kasalukuyang nakatira sa Pilipinas. Kailangan ding ma-verify ang inyong Philippine mobile number para kayo ay makagawa ng account.
Ano ang Kaway?
Maaari niyong gamitin ang Kaway para mapansin kayo ng Homeowner. Ang Homeowner ay mano-notify tungkol sa iyong Kaway para malaman nila na kasalukuyan kayong online at pwedeng i-message.
Bilang isang kasambahay, maaari ko po bang baguhin ang impormasyon sa profile ko?
Opo, maaari nyo po itong baguhin ang mga detalye maliban lamang sa inyong mobile number. Pumunta lang po kayo sa inyong profile at i-click ang “Edit” button. Pagkatapos baguhin ang detalye, i-click ang Save button.
