Frequently Asked Questions

Welcome to the kazam FAQ page.

Top Questions

Ano po ang Kazam? Agency ba yan?

Ito ay isang website o online platform para sa mga Kasambahays na naghahanap ng Homeowner at Homeowners na naghahanap ng Kasambahay, tulad ng child care, senior care, cook, maid, family driver, at houseboy. Hindi po agency ang kazam.

May bayad ba yan?

Libre pong mag-sign up para sa kazam!

Para sa kasambahay, walang bayad ang kazam mula sa pag-create ng account hanggang sa makakuha ng trabaho.

Para sa homeowner, mag-subscribe lamang sa mga packages para makipag-usap sa mga kasambahay. Pino-protektahan ng kazam Chat ang inyong privacy.

Kailangan ng internet connection para magamit ang kazam.

Ano ang ID Verified profile?

Ang user na may ID Verified profile ay dumaan sa verification process ng kazam. Ang user ay nagpadala ng valid ID at nagpa online interview para ma-check na siya ang mismong tao na nag register ng profile at ang nasa valid ID. Hindi vini-verify ang skills o medical history at walang ginawang psychological o criminal background check sa isang user na nag pa ID verification.

Dapat ba akong magpa-ID Verified?

Ang pagiging ID Verified ay makakatulong na magkaroon ng user credibility. Mas pipiliin ng homeowner na mag-connect at mag-interview ng isang user na ID verified dahil siya ay totoong tao na may valid ID. 

Pinapakita rin ng pagiging ID Verified na ikaw ay seryoso sa paghahanap ng trabaho.